Duterte, hindi pa tapos magpahinga

By Isa Avendaño-Umali June 23, 2017 - 03:59 AM

 

Hindi pa tapos ang pagpapahinga ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella nang matanong ng media kung bakit hindi na naman masyadong nagpapakita ang presidente sa publiko at sa media.

Sa briefing sa Malakanyang, sinabi ni Abella na may sariling style o work mode si Duterte.

Inihalimbawa nito na may ibang tao na naglalaro ng PlayStation, habang may iba naman na sobrang abala.

At kahit nagpapahinga si Duterte, sinabi ni Abella na tuluy-tuloy ang trabaho ng pangulo at nakatutok din sa mga nangyayari sa bansa.

Huling nakita ng publiko at media si Duterte nang siya’y dumalaw sa mga bakwit mula sa Marawi City at naghatid ng mga sugatang sundalo patungong Maynila sakay ng presidential plane.

Mula kamakalawa hanggang kahapon ay walang official schedule si Duterte.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.