Guatemala, niyanig ng magnitude 6.8 na lindol

By Mariel Cruz June 22, 2017 - 11:25 PM

 

Niyanig ng magnitude 6.8 na lindol ang Guatemala.

Ayon sa US Geological Survey, naitala ang pagyanig sa 24 miles o 38 kilometers southwest ng Puerto San Jose.

May lalim ito na 46.8 kilometers.

Batay sa pahayag ng mga residente, naramdaman ang pagyanig dakong 6:31 ng umaga sa Guatemala.

Sa ngayon ay wala pang napapaulat na pinsalang idinulot ng naturang lindol.

Pero ang emergency management system ng Guatemala na ‘CONRED’, ay minomonitor na ang sitwasyon at ang posibleng pinsalang dala ng pagyanig.

Noong nakaraang linggo, isa pang lindol ang tumama sa Guatemala na ikinasawi ng dalawa katao.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.