Pangulong Duterte, planong patayin ng BIFF; Davao, sunod na aatakihin

By Mariel Cruz June 22, 2017 - 11:22 PM

 

Nag-iwan ng mga mensahe ang mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa sinalakay na bayan ng Pigcawayan sa North Cotabato.

Nabatid na ilang larawan ni Pangulong Duterte ang sinunog sa labas ng mga classrooms sa ilang paaralan sa Pigcawayan.

Sa isang blackboard naman, isinulat ng bandidong grupo ang mga salitang “Shoot to kill ka namin DU30”.

Sa isang puting cartolina naman, isinulat ng BIFF na kahit saan aniya humingi ng tulong si Duterte, ay hindi nito magagawang maubos ang kanilang mga miyembro.

Nagbanta din ang grupo na mag-ingat si Duterte dahil isusunod na nila ng pag-atake sa Davao City, na hometown ng pangulo.

Samantala, sinabi naman ni Fr. Dominic Villa na lubhang nasira ang Malagakit chapel matapos ang pagsalakay ng BIFF.

Binasag aniya ng bandidong grupo ang mga estatwa sa chapel, at maging ang mga imahe ni Virgin Mary at ang malaking Crucifix ay sinira.

Binuksan din aniya ang tabernacel, kung saan nakatago ang mga ostiya, at ikinalat pa ang mga ito sa sahig.

Sinabi pa ni Villa na ilang linggo bago ang insidente, kumalat na ang isang text message ukol sa planong pag-atake ng BIFF sa kanilang lugar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.