Dalawang pagsabog naganap sa Central Station sa Brussels, suspek, napatay

By Dona Dominguez-Cargullo June 21, 2017 - 06:48 AM

Nagdulot ng panic sa publiko ang dalawang magkasunod na pagsabog na naganap sa Brussels Central Station.

Ayon sa mga testigo, isang lalaki ang sumigaw ng “Allahu Akbar” matapos ang pagsabog na sinundan ng mga putok ng baril.

Agad namang nakaresponde ang mga otoridad at pinalikas ang mga tao mula sa central station.

Nang mapatay ang suspek, nakitaan pa ito ng explosive belt na nakasuot sa kaniyang katawan.

Wala namang nasaktang sibilyan sa nasabing insidente dahil agad isinara ang Central Station at dalawa pang istasyon sa Brussels.

Agad namang nagpalabas ng pahayag ang isang senior Belgian counterterrorism official at sinabing itinuturing nilang failed bombing attack ang nangyari.

TAGS: Brussels, central station, Terror attack, Brussels, central station, Terror attack

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.