10 ‘exoplanets’ na kasinlaki ng Earth, nadiskubre

By Jay Dones June 21, 2017 - 04:21 AM

 

Nakadiskubre pa ng nasa 219 na mga ‘exoplanets’ ang National Aeronautics and Space Administration o NASA kung saan saampu sa mga ito ang maituturing na kahalintulad ng ‘Earth’.

Ayon sa NASA, nadiskubre ng kanilang Kepler mission na sampu sa mga ‘exoplanets’ ang halos kasinlaki ng mundo at halos tama lamang ang distansya sa araw na kanilang iniikutan.

Paliwanag ni Mario Perez, Program scientist ng Kepler mission, nangangahulugan lamang ito na may posibilidad na nagtataglay ng liquid water ang mga naturang planeta.

Dahil sa panibagong mga ‘discoveries’ umaabot na sa 4,034 na planet candidates ang naitatala ng NASA.

2,335 sa mga ito ang kumpirmado bilang ‘exoplanets’ o mga planeta na nasa labas ng Solar system.

Nasa 50 naman sa mga ‘exoplanet’ ang kasinlaki ng Earth, ayon sa NASA.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.