Charice, aka ‘Jake Zyrus’ suportado ng mga netizens

By Rhommel Balasbas June 21, 2017 - 04:21 AM

 

‘Thank you.’

Ito ang naging unang tugon ng singer na si Charice na ngayon ay si Jake Zyrus matapos niyang palitan ang kanyang pangalan sa kanyang social media accounts.

Ang pagbabagong ito ay makikita sa kanyang Twitter at Instagram kung saan maging ang mga dating posts at larawan kasama ang kanyang dating girlfriend ay kanya nang binura.

Matatandaan na noong Abril inanusyo ng singer na hiwalay na sila ni Alyssa Quijano na naging kasintahan niya mula taong 2013.

Bumuhos naman ang suporta at pagtanggap ng fans sa una niyang twitter post bilang si Jake.

Sinabi niya rin sa isa pa niyang tweet na hindi niya hahayaan ang sinuman na sirain ang kanyang kaligayahan.

Sa ngayon, hindi pa malinaw kung ito rin ang gagamitin niyang screen name sa showbiz.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.