Martial law idineklara sa Mindanao upang mapigil ang ‘civil war’- Duterte

By Jay Dones June 21, 2017 - 04:24 AM

 

Presidential photo

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa posibilidad na magkaroon ng ‘civil war’ sa Mindanao kung hindi agad na maipagpapatuloy ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at mga Moro separatist group.

Sa kanyang pagharap sa mga sugatang sundalo sa Cagayan De Oro City sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat na agarang matuloy ang usapang pangkapayapaan upang hindi na lumalapa ang gulo sa rehiyon.

Paliwanag nito, na kung magpapatuloy ang paghahasik ng kaguluhan ng mga miyembro ng Maute terror group sa Marawi City at kumalat pa ito sa ibang lugar, may posibilidad na mapuno na ang mga Kristiyano at magbitbit na rin ng armas lupang labanan ang grupo.

Sakaling mangyari ito aniya ay magkakaroon ng civil o communal war sa pagitan ng mga Muslim at Kristiyano.

Ito aniya ang dahilan kaya’t nagdeklara siya ng martial law upang mapigilan ang mas malaking gulo.

Kinumpirma rin ni Pangulong Duterte na may ilang Kristiyano na ang nag-iipon ng mga baril bilang paghahanda sa anumang kaganapan sa Mindanao.

Ito aniya ang dahilan kayat napakahalaga na madaliin ang peace process sa pagitan ng iba’t ibang grupong Muslim.

Hiimukin rin aniya ng gobyerno ang Moro Islamic Liberation Front na pangunahan ang pagsugpo sa grupong Islamic State na nagtatangkang magtayo ng caliphate sa Mindanao.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.