Suspek sa pananagasa sa Finsburry Park mosque sa London, nakilala na

By Dona Dominguez-Cargullo June 20, 2017 - 06:52 AM

AP Photo

Tinukoy na ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng driver ng van na nanagasa ng mga naglalakad sa harap ng Finsburry Park mosque sa London.

Ang 47-anyos na suspek ay kinilalang si Darren Osborne mula sa Cardiff, Wales.

Ayon sa pamilya ni Osborne, labis silang nagulat sa pangyayari at humihingi rin sila ng tawad sa mga nasaktan at sa pamilya ng isang nasawi.

Wala din umano silang napansin na kakaibang gawin ng suspek bago nangyari ang pag-atake.

Matapos maaresto ay ikinulong si Osborne at sasampahan ng kasong may kaugnayan sa terorismo.

Marami namang mga residente ang nagtipon-tipon ngayon araw sa lugar para magsagawa ng vigil.

 

TAGS: Darren Osborne, Finsburry Park attack, london, Terrorism, Darren Osborne, Finsburry Park attack, london, Terrorism

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.