Mula UAAP, Austria at Racela, maghaharap muli sa PBA Finals

By Rhommel Balasbas June 20, 2017 - 04:19 AM

 

Inquirer photo

Ilang taon matapos magbakbakan sa UAAP, pangungunahan naman ng mga coach na sina Leo Austria at Nash Racela ang salpukan ng kanilang mga koponan sa PBA Finals.

Bagamat beterano na sa championship duels si Austria inihahanda niya pa rin nang husto ang San Miguel Beermen.

Aniya, sa tuwing lolobo ang lamang ng koponan ay nagkakaroon ng tendency na magrelax ang kanyang mga manlalaro na kanila namang iiwasan ngayong finals.

Samantala, bilib ang beteranong coach kay Racela matapos ang mahirap na pinagdaanan ng Tnt Katropa para makamit ang placement sa finals.

Hindi umano hahayaan ni Racela na masayang ang bawat oportunidad upang mapasakamay ng Talk N Text ang championship title.

Ang Game 1 ay magaganap ngayong Miyerkules sa Araneta Coliseum.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.