Fil-Am, kabilang sa nasawi sa USS Fitzgerald collision

By Jay Dones June 20, 2017 - 04:23 AM

 

FB photo/Navy handout

May dugong Pinoy ang isa sa pitong nasawing crew ng US naval ship na nakabanggaan ng Philippine-flagged cargo ship sa karagatang sakop ng Japan noong nakaraang linggo.

Batay sa Facebook page ng isa sa mga nasawing biktima na si Fire Controlman 2nd Class Carlos Victor Sibayan, tubong Pasig City ito ay lumaki sa Chula Vista, California.

Apat na taon nang naninilbihan bilang miyembro ng US Navy ang 23-anyos na si Sibayan, at nadestino ito sa US base sa Japan.
Si Sibayan, kasama ang anim pang US sailors ay nasawi makaraang magbanggaan ang USS Fitzgerald naval destroyer at ang ACX Crystal sa karagatang sakop ng Tokyo Bay noong Sabado.

Dahil sa banggaan, pinasok ng tubig ang compartment na kinarorooanan ng mga biktima.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.