3 players ng SMB top contenders bilang conference best player

By Mariel Cruz June 19, 2017 - 03:14 PM SHARE(S):
Inquirer photo

Nangunguna ang tatlong manlalaro ng San Miguel Beer sa Best Player of the Conference race sa 2017 PBA Commissioner’s Cup.

Sa pagtatapos ng elimination round, parehong nasa unang puwesto sa karera ang San Miguel backcourt tandem na sina Alex Cabagnot at Chris Ross.

Parehong nakakuha sina Cabagnot at Ross ng 34.125 statistical points (SPs).

Nasa ikatlong puwesto naman si SMB stalwart June Mar Fajardo na nakapagtala ng 33.067 SPs.

Nakuha naman ni GlobalPort Stanley Pringle ang ikaapat na puwesto na may 32.538 SPs, habang pang lima naman si Jayson Castro ng TNT KaTropa na mayroon naman 32.467 SPs.

Kabilang din sa bumuo sa Top 10 ng Best Player of the Conference ay sina Japeth Aguilar ng Barangay Ginebra, Baser Amer ng Meralco, Marcio Lassiter ng San Miguel, Terrence Romeo ng GlobalPort, at LA Tenorio ng Ginebra.

Samantala, nangunguna naman sa ‘Best Import’ si Ricardo Ratliffe ng Star Hotshots.

Igagawad ang mga award sa nalalapit na Finals ng PBA Commissioner’s Cup, kung saan maghaharap ang San Miguel at TNT KaTropa.

TAGS: cabagnot, fajardo, PBA, ross, san miguel beer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.