1 ang patay, 10 sugatan sa pananagasa ng van sa London; insidente, itinuturing na ‘potential terrorist attack’

By Dona Dominguez-Cargullo June 19, 2017 - 01:41 PM

Isa na ang naitalang nasawi at sampu ang sugatan matapos araruhin ng isang van ang mga taong kalalabas lamang ng mosque.

Ayon sa pahayag ng The Muslim Council of Britain, sinagasaan ng sasakyan ang mga “worshiper” habang sila ay lumalabas sa Finsbury Park Mosque at katatapos lamang dumalo sa midnight prayer.

Walo sa mga nasugatan ay isinugod sa ospital, habang ang dalawa naman ay nilapatan na lamang ng lunas sa lugar na pinangyarihan ng insidente.

Ayon sa Metropolitan Police sa UK ang suspek na driver ng van ay isang 48 anyos na lalaki.

Samantala, sinabi ni Prime Minister Theresa May na tinatrato nilang ‘potential terrorist attack’ ang nangyari.

Sinabi ni May na magpapatawag siya ng emergency meeting para talakayin ang pag-atake.

 

TAGS: london attack, london attack

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.