Pilipinas, wagi kontra Romania sa FIBA 3×3 World Cup

Posted in: Featured, Latest News, National, Sports

Pilipinas, wagi kontra Romania sa FIBA 3×3 World Cup

FIBA Photo

Tinalo ng Pilipinas ang Romania sa ginaganap na 2017 FIBA 3×3 World Cup sa Nantes, France.

Ang team ng Pilipinas na binubuo nina Kobe Paras, Keifer Ravena, Jeron Teng at JR Quiñahan.

Nagtulong sina Paras at Ravena para maitala ang final score na 21-15 at talunin ang Romania.

Tampok naman sa Youtube channel ng FIBA ang behind-the-back move ni Paras sa nasabing laban.

Matapos ang tagumpay kontra Romania, bigo naman ang Philippine team na talunin ang host country na France.

Tinalo ng France ang Pilipinas sa score na 22-11.

 

 

 

Leave a comment