Paolo Ballesteros, ‘kinilig’ sa papuri ni ‘Wonder Woman’ sa kanyang make-up transformation

By Jay Dones June 19, 2017 - 04:19 AM SHARE(S):

 

Sobra ang kasiyahang nadarama ng actor-comedian na si Paolo Ballesteros makaraang mabigyang-pansin ng ‘Wonder Woman’ star na si Gal Gadot ang kanyang make-up transformation video.

Sa naturang video, makikita si Ballesteros na naglalagay ng make-up hanggang sa maging kamukha na nito ang bidang aktres sa naturang pelikula na hanggang ngayon ay tumatabo sa takilya.

Paliwanag ni Ballesteros, sobra-sobra ang kanyang ‘kilig’ nang mabasa ang comment ng Israeli beauty queen sa kanyang transformation.

Dahil sa angking galing ng aktor, umani ng maraming shares at likes sa social media ang kanyang make-up transformation at nakapukaw ng pansin maging ng aktres na si Gadot.

Matatandaang makailang ulit nang umani ng papuri si Ballesteros dahil sa paggaya nito sa ilang mga sikat na foreign artists.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.