Lolo, anak-anakan patay sa mga naka-maskarang salarin sa QC

By Jay Dones June 19, 2017 - 04:20 AM

 

Patay ang isang matandang lalake at anak-anakan nito sa kamay ng mga nakamaskarang armadong suspek na pumasok sa kanilang bahay sa Quezon City Linggo ng mdaling-araw.

Tadtad ng tama ng bala ang mga biktimang nakilalang sina Francisco Cariño, 68, at anak-anakan nitong si Marlon Tamayo dela Cruz, 36, sanhi ng pamamaril ng mga salarin.

Ayon sa imbestigasyon ng Quezon City Police, bigla na lamang pumasok sa loob ng bahay ng mga biktima sa Kasipagan St., Bgy. Batsan Hills ang dalawang suspek at walang sabi-sabing pinaputukan ang mga biktima.

Tatlo pa sa mga kasamahan ng mga ito ang nanatili sa labas at nagsilbing look-out habang pinapuputukan ng mga salarin ang dalawang biktima.

Una nang naaresto umano ang biktimang si Dela Cruz ng mga pulis dahil sa kasong droga ngunit kalaunan ay pinalaya rin.

Gayunman, giit ng asawa ng 68-na lolo, hindi sangkot sa droga ang kanyang mister.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.