Pinay na nawawala sa Grenfell Tower fire sa UK, itinuturing nang nasawi

By Isa Avendaño-Umali June 18, 2017 - 08:45 PM

Kinumpirma ng Philippine Embassy sa United Kingdom na hindi natagpuan ng mga otoridad ang Pilipinang si Ginang Ligaya Moore, na nakatira sa nasunog na Grenfell Tower.

Sa update na ipinost ng embahada sa kanilang official Facebook Page, inanunsyo nito na sa kabila ng “diligent search” sa pakikipagtulungan sa Metropolitan Police at Filipino Community sa London, bigong makita si Ginang Moore.

Bunsod nito, isinama ng MetPolice si Ginang Moore sa listahan ng mga itinuturing na nasawi sa trahedya.

Ipinaalam na ang masamang balita sa mga kaanak ng biktima.

Lubos namang nakikiramay ang embahada sa mga kaanak at mahal sa buhay ni Ginang Moore.

Umaasa rin ang Philippine Embassy na makikita ang mga labi ng Pinay.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.