Mga pag-ulan, asahan ngayong Father’s Day

By Mariel Cruz June 18, 2017 - 02:25 PM

FILE PHOTO

Inaasahang makararanas ng bahagyang masamang panahon ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ngayong Father’s Day.

Sa 24-hour public weather forecast ng PAGASA, inaasahan ang mga pag-ulan ngayong araw sa kabila ng “ridge of high pressure area” na umiiral sa silangang bahagi ng Luzon at Visayas.

Ang high pressure area ay karaniwang nagdudulot ng maaraw at magandang panahon.

Sinabi ng PAGASA na bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

Samantala, inaasahan naman ang katamtaman hanggang sa malakas na hangin sa extreme northern Luzon, na mula sa timog-kanlurang bahagi ng bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.