Duterte, handang i-pull out ang tropa ng pamahalaan sa Marawi kung ipag-uutos ng SC

By Rod Lagusad June 18, 2017 - 04:49 AM

Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na i-pull out ang tropa ng pamahalaan sa Marawi kung ito ay ipag-uutos ng Supreme Court.

Kaugnay nito, nagbabala si Duterte na kung kakailanganin siyang magdeklara ng martial law ay gagawin niya ito sa kanyang pamamaraan at maaring maging katulad ng pagpapatupad ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Matatandaang nagdeklara ng martial law sa Mindanao noong May 23 kasunod ng naging pag-atake ng Maute group sa Marawi City.

Kinwestiyon ng mga taga-oposisyon at ng mga civil society groups ang naging desisyon ni Duterte kung saan kanilang hiniling sa SC na obligahin ang Kongreso na mag-convene para pag-aralan ang basehan ng pangulo sa naturang deklarasyon.

Binigyang diin ni Duterte na ang pagsalakay ng mga terorista ay isang rebelyon, na isa sa mga kondisyon para makapagdeklara ng batas militar.

TAGS: “The Mindanao Hour”, marawi, Martial Law, Rodrigo Duterte, Supreme Court, “The Mindanao Hour”, marawi, Martial Law, Rodrigo Duterte, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.