Vietnamese, nakatakas mula sa bumihag na Abu Sayyaf sa Basilan

By Rod Lagusad June 17, 2017 - 05:22 AM

Nakatakas ang isang Vietnamese national mula sa Abu Sayyaf na bumihag dito sa Ungkaya Pukan, Basilan, umaga ng Biyernes.

Ayon kay Col. Juvymax Uy, Commander ng 104th Infantry Brigade, nakatakas si Hoang Vo matapos ang mahigit na pitong buwan nang ito ay mabihag.

Noong nakaraang taon, sinalakay ng bandidong grupo ang isang barko sa baybayin ng Sibago Island sa Lamitan City at binihag ang nasa anim na crew members nito.

Dagdag pa ni Uy, nakatakas si Vo matapos magsagawa ng operasyon ang tropa ng gobyerno laban sa Abu Sayyaf na may bihag sa Vietnamese national sa Ungkaya Pukan.

Sa kasalukuyan, may hawak pang limang Vietnamese national ang grupo na kanilang binihag mula sa MV Royal noong November 16 noong nakaraang taon.

 

TAGS: Abu Sayyaf, Basilan, vietnamese, Abu Sayyaf, Basilan, vietnamese

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.