AFP, humiling sa media na hayaang bumati ang mga sundalo sa kanilang pamilya

By Kabie Aenlle June 16, 2017 - 04:04 AM

 

Hinihimok ng militar ang mga media na maging tulay sa pagitan ng mga sundalo at kanilang mga pamilya sa darating na Father’s Day.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, inaanyayahan nila ang media na bigyang pagkakataon ang kanilang mga frontliners na sundalo na makabati sa kanilang mga kaanak sa Father’s Day.

Marami aniya kasing mga ama na hindi makakasama ng kanilang mga pamilya sa Linggo, at naniniwala din si Padilla na makakapagpalakas ito sa morale ng mga pamilya ng mga sundalo.

Ani pa Padilla, maaring kapanayamin ng mga mamamahayag ang kanilang mga sundalo na kababalik lamang mula sa bakbakan.

Pwede rin aniyang humingi ng pahintulot ang mga journalists sa commanders ng mga sundalo kung maaring makuhanan ng video o ng larawan ang kanilang kakausaping sundalo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.