Pang. Duterte, pagod lang at huwag pagdudahan ang kalusugan – Abella

By Isa Avendaño-Umali June 15, 2017 - 02:54 PM

“He’s just tired!”

Yan ang pahayag ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella sa gitna ng paghahanap ng media at publiko kay Pangulong Rodrigo Duterte, na hindi pa rin nagpapakita simula noong Lunes.

Sa Palace Briefing, sinabi ni Abella na sinusulit ng pangulo ang kanyang private time para mag-rejuvenate.

Iginiit nitong muli na walang dapat ipag-alala sa kalusugan ni Duterte, at nais lamang nito na magpahinga lalo’t naging mabigat ang mga nakalipas iskedyul nito.

Matatandaang nag-ikot si Duterte sa mga kampo-militar, at sunud-sunod ang pagdalaw sa mga nasawi at sugatang sundalo, simula nang idineklara niya ang Martial Law sa Mindanao bunsod ng Marawi City crisis.

Apela na lamang ni Abella sa publiko, unawain ang hindi pagpapakita ni Duterte.

Tugon naman ni Abella sa hamon ng mga mambabatas na ilabas ang totoong estado ng kalusugan ng pangulo, sinabi ng Palace official na nagbibigay naman sila ng regular updates kapag may briefings.

TAGS: Ernesto Abella, kalusugan, Pangulong Rodrigo Duterte, Ernesto Abella, kalusugan, Pangulong Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.