‘Mga ‘unli-rice’ promo dapat daw ipagbawal, mga netizens pumalag

By Jay Dones, Ruel Perez June 15, 2017 - 04:21 AM

 

Mula sa FB

Kung siya lang masusunod, nais ni Senador Cynthia Villar na ipagbawal ang mga ‘unlimited rice o ‘unli-rice’ promo ng ilang mga restaurant at fastfood chain.

Ito’y dahil hindi aniya maganda sa kalusugan ang pagkain ng maraming kanin na mula sa well-milled rice.

Kalimitang naaksaya rin lamang ang bigas dahil hindi nauubos ng mga parokyano ng unli-rice.

Paliwanag ni Senadora Villar, mas makabubuting masanay ang taumbayan sa pagkain ng brown rice upang mas maging malusog ang mga Pinoy at masimulan na ang pagiging self-sufficient ng bansa.

Pinayuhan rin ni Senador Villar, ang Chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food ang mga Pinoy na magtipid ng bigas at kumain ng maraming gulay.

Sa isinagawang pagdinig ng senado ukol sa importation program ng National Food Authority, sinabi ng senadora na dapat na gayahin ng mga Pinoy ang bansang Japan at China na hindi masyadong kumakain ng bigas o kanin.

Imbes na bigas, ang mga Hapon at mga Chinese ay mas madalas kumakain ng gulay.

Samantala, pinutakti naman napakaraming ‘meme’ at komento sa social media ang pananaw ng senadora ukol sa pagbabawal sa ‘unli-rice.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.