4 sugatan sa aksidente sa Parañaque City

By Jong Manlapaz June 14, 2017 - 10:36 AM

Kuha ni Jong Manlapaz

Apat na babae ang nasugatan matapos salpukin ng isang bus ang isang pampasaherong jeep sa kanto ng Airport Road at Roxas Boulevard sa Parañaque City.

Ang apat na nasugatan ay pawang pasahero ng bus at nagtatrabaho sa isang casino.

Sa sobrang lakas ng pagkakasalpok, wasak na wasak ang likurang bahagi ng jeep habang nabasag naman ang harapang salamin ng bus at nayupi ang kanang bahagi nito.

Isa sa mga nasugatan ay walang malay ng isugod sa ospital.

Ayon sa konduktor ng Magic Line Bus na si John Macadangdang, galing sila sa Coastal at pauwi na sa Sapang Palay nang mawalan umano sila ng preno kaya nasalpok nila ang jeep na noon ay nagbababa ng pasahero.

Agad na hinuli ng mga pulis ang driver ng bus habang tumakas naman ang tsuper ng jeepney.

TAGS: accident, bus, Jeep, magic line express, roxas boulevard, accident, bus, Jeep, magic line express, roxas boulevard

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.