Kris Aquino, may Hollywood contract na

By Mariel Cruz June 14, 2017 - 04:25 AM SHARE(S):

 

Kinumpirma ni Kris Aquino na pumirma na siya ng isang kontrata sa Hollywood.

Sa isang Instagram post, sinabi ng Queen of All Media na opisyal niyang pinirmahan ang naturang kasunduan kahapon, kasabay ng Independence Day.

Sa naturang kasunduan aniya ay magiging parte siya sa isang “major Hollywood movie”.

Batay sa mga ispekulasyon, posibleng maging bahagi si Kris sa Hollywood movie adaptation ng “Crazy Rich Asians” na bestselling novel ng writer na si Kevin Kwan.

Napaulat pa na noong nakaraang Abril, lumipad patungong United States ang aktres para pumirma ng isang non disclosure agreement.

Hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig ni Kris ukol sa eksaktong detalye ng kanyang nakabinbin na Hollywood project.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.