NBA fan nagbayad ng $133,000 para sa dalawang courtside tickets ngayong game 5

By Dona Dominguez-Cargullo June 13, 2017 - 08:27 AM

NBA PHOTO

Tumataginting na $133,000 o katumbas ng mahigit P6.6 million ang ibinayad ng isang NBA fan para sa dalawang courtside tickets ngayong game 5 ng NBA finals.

Sa report ng ESPN, isang hindi nakilalang indbidwal ang naglabas ng malaking halaga ng pera para sa magandang pwesto ngayong game 5 sa pagitan ng Golden State Warriors at Cleveland Cavaliers na gaganapin sa Oracle Arena.

Ayon sa report, $17,000 na ang ibinayad ng nasabing fan sa buyer’s fee pa lamang kaya nangangahulugan ito na ang halaga ng tickets ay nasa $116,000.

Ang nasabing halaga ay maituturing umanong highest price ng ticket sa kasaysayan ng NBA.

Inaasahan namang tataas pa ang halaga ng tickets kung magkakaroon pa ng game 6 at game 7.

 

TAGS: cavaliers, curry, dubnation, game5, lebron, NBA, warriors, cavaliers, curry, dubnation, game5, lebron, NBA, warriors

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.