Makasaysayang panalo, nakamit ni Rafael Nadal sa French Open

By Kabie Aenlle June 12, 2017 - 04:41 AM

Nasungkit ng tennis player na si Rafael Nadal ang isang makasaysayang panalo sa French Open kahapon matapos talunin si Stan Wawrinka.

Si Nadal kasi ang kauna-unahang manlalaro na nakakuha ng French Open title sa loob ng sampung beses.

Natapos ang laban nila ni Wawrinka sa mga iskor na 6-2, 6-3 at 6-1, na hudyat rin ng kaniyang ika-15 Grand Slam crown.

Dahil dito, tatlo na lang ang lamang sa kaniya ng kaniyang karibal na si Roger Federer sa ngalan ng koleksyon ng Slams.

Labis naman ang kagalakan ni Nadal sa kaniyang panalo, at aminado siyang naging emosyonal siya dahil dito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.