Mahigit P2-M na halaga ng samu’t saring droga, nasabat sa buy-bust ops sa Taguig City

By Cyrille Cupino June 10, 2017 - 06:18 AM

Kuha ni Cyrille Cupino

Arestado ang dalawa katao sa ikinasang buy-bust operation sa isang high-end na condominium sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Kinilala ang mga suspek na sina Joseph Bayquen Jr. na subject ng search warrant, at isang babae na si Maria Sofia Gloria Mustonen.

Ayon kay PDEA Deputy Director General for Operation Ricardo Quinto, sinalakay nila ang condominium unit ni Baywuen sa McKinley Parkway Avenue sa bisa ng search warrant na inilabas ng korte.

Narekober sa mga suspek iba’t ibang uri ng iligal na droga, kabilang ang mahigit 200 gramo ng hinihinalang shabu, cocaine, ecstacy, mga drug paraphernalia, at dalawang baril.

Ayon kay Quinto, aabot sa mahigit dalawang milyung piso ang street value ng nasabat na mga droga.

Sinasabing supplier ng party drugs sa mga bar sa BGC ang suspek, at nagbebenta rin ng droga sa mga call center agents.

Todo-tanggi naman ang suspek na nagbebenta siya ng droga, pero aminado itong gumagamit siya.

Samantala, kinukumpirma pa naman ng PDEA kung ang naarestong babae ay ang Binibining Pilipinas 2013 Candidate, matapos magtugma ang pangalan nito mula sa nakuhang driver’s license.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.