Dating Abra Vice Gov. Rolando Somera, patay sa pananambang sa Marikina

By Jong Manlapaz June 10, 2017 - 06:10 AM

Kuha ni Jong Manlapaz

Patay ang dating vice governor ng probinsya ng Abra matapos tambangan sa Munding Ave., malapit sa San Roque Cockpit Arena na sakop ng Brgy. San Roque sa Marikina City.

Batay sa imbestigasyon, pasado 1:00 ng madaling araw nang lumabas ng sabungan ang biktima na kinilalang si dating Abra Vice Gov. Rolando Somera, 62-anyos ng Cainta, Rizal.

Sa kuha ng CCTV ng Brgy. San Roque, hindi pa man tuluyang nakakalayo ang biktima sa sabungan, may isang lalaking may takip sa mukha ang sumalubong sa biktima at binaril siya nang harapan.

Makikita din sa CCTV footage na pagkatapos ng pamamaril agad na tumakbo ang suspek.

Sa pangalawang kuha ng CCTV, makikita na dalawa na ang tumatakbong suspek at sumakay sa isang kulay green na kotse.

Samantala sugatan naman ang isang kasama nito na nagtamo ng tama ng bala sa tiyan na agad sinugod sa pinakamalapit na ospital.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.