Korean singer na si T.O.P, na-ospital dahil sa drug overdose

By Kabie Aenlle June 07, 2017 - 04:12 AM

 

Kinumpirma ng handler na YG Entertainment na isinugod sa ospital ang isa sa mga miyembro ng Korean boy band na Big Bang na si T.O.P dahil sa drug overdose.

Natagpuang wala nang malay ang singer at actor na ang tunay na pangalan ay Choi Seung Hyun, at kasalukuyang nasa intensive care unit ng isang ospital sa Seoul.

Ayon sa mga pulis, na-overdose umano sa tranquilisers si T.O.P, na iniinom niya “for medical reasons.”

Naganap ang insidente isang araw matapos siyang mahuli dahil sa paggamit ng marijuana ngunit hindi naman siya ikinulong.

Si Choi ay nagsisilbi para sa kaniyang mandatory military service sa Gangnam Police Station mula pa Pebrero.

Gayunman, na-expell siya noong nakaraang linggo matapos siyang mahatulan dahil sa paggamit ng marijuana na una niyang itinanggi, pero kalaunan ay inamin din matapos siyang mag-positibo sa test.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.