Disaster management plans ng Cordillera at Ilocos regions, susuriin

August 25, 2015 - 08:18 PM

 

Mula sa Benguet PNP/ John Roson

Isasailalim sa review ang Disaster Managament Plans ng Regional Offices ng Office of Civil Defense (OCD) ng Cordillera Administrative Regions at Ilocos Region.

Ito ay matapos makapagtala ng 21 patay sa dalawang rehiyon dahil sa pananalasa ng bagyong ‘Ineng’ nitong nagdaang weekend.

Ayon kay NDRRMC Chief Alexander Pama, kailangang malaman kung nagkaroon ng pagkukulang sa paghahanda ang mga disaster management officials sa dalawang rehiyon.

Sinabi pa nito na sa review ay malalaman din kung ano ano ang mga dapat gawin para hindi na maulit ang mga insidente ng pagkalunod at pagkamatay dahil sa landslides.

Samantala sa panayam ng Radyo Inquirer kay OCD Cordillera Director Alex Uy, itinanggi nito na may mga opisyal sila na nagsabi na hindi inaasahan na magiging malaki ang pinsalang idudulot ng bagyong ‘Ineng’ sa rehiyon dahil base aniya sa anunsiyo ng PAGASA ay sa Cagayan at Batanes ay lubos na mararamdaman ang epekto ng bagyo.

Sinabi pa ni Uy na regular naman ang ginagawang review sa mga disaster management plans para mas mapagbuti pa ang mga ito./ Jan Escosio

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.