Byudang lady politician sa Northern Luzon nabuntis ng bodyguard 

August 25, 2015 - 04:35 PM

Wacky Leaks ni Den Macaranas

den-macaranas1Nagbunga ang may ilang taon na ring pag-iibigan ng isang byudang pulitiko at ng kanyang may-asawang Bodyguard.

Kung dati ay bulong-bulungan lamang sa kanilang lalawigan sa Northern Luzon ang mala-you against the world na love story ng dalawa, ngayon daw ay lantaran na itong ipinakikita sa publiko.

Wala na nga namang maitatago dahil lumubo na ang tyan ni Madam na ang balita ng ating Cricket ay malamang na hindi na muna umattend sa mga public gatherings para hindi na sya maging sentro ng tsismisan ng ilan nating mga kapwa nya pulitiko.

Si Madam Politician ay matagal na rin namang byuda makaraang mapatay sa ambush ang kanyang dating asawa na isang local government official sa kanilang magulong probinsya.

Dahil sa isyu ng seguridad kaya nagdagdag ng bodyguards ang pamilya ni Lady Politician na isa sa mga kinatatakutang Political Clan sa Northern Luzon.

Ayon sa ating Cricket, matikas ang ibinigay na bodyguard kay Madam na lagi niyang kasama kahit saan sya magpunta.

Sa halos ay araw-araw nilang pagsasama kaya hindi malayong madevelop ang dalawa.

Si Madam ay walang sabit, pero si Bodyguard ay malaki ang problema dahil sya ay may-asawa at mga anak.

Tiyak na gagamitin ng kanilang mga kalaban sa pulitika ang isyung ito kaya ngayon pa lamang ay nagpa-plano na ang buong pamilya ni Ma’am kung paano maitatago ang eskandalong ito sa kanilang mga constituents.

Bata pa naman si Madam na nasa late thirties pa pa lamang ang edad kaya malayo pa ang kanyang pwedeng marating sa larangan ng pulitika.

Hindi naman pwedeng paki-alaman ng Tatay ni Lady Politician ang love story ng kanyang anak dahil abot-langit daw ang pag-ibig ni Madam sa kanyang maskuladong Bodyguard.

Ang nakikitang paraan ang kanyang pamilya para maitago ang pagbubuntis ni Ma’am ay papuntahin muna ito sa ibang bansa.

Saka na lang daw isipin ang mga susunod na plano kapag nailabas na ang baby.

Ang Lady Politician na ngayon ay nagdadalang-baby courtesy ng kanyang may-asawang bodyguard ay si Madam B.J ….as in Baby Jack.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.