Willie Miller, bukas sa muling pagbabalik sa PBA

By Angellic Jordan May 28, 2017 - 01:22 PM

Inquirer photo
Inquirer photo

Bukas ang 15-year basketball veteran na si Willie Miller sa posibleng panunumbalik sa Philippine Basketball Association (PBA).

Sa panayam ng Inquirer.net, sinabi ni Miller na maaari siyang bumalik sakaling mayroong koponan na kailangan ang kaniyang tulong at nais manalo ng championship.

Ayon pa sa trenta y nuwebe anyos na basketball player, nais niyang ituro ang mga kaalaman at ibahagi ang mga karanasan sa mga future basketball players.

Ito aniya ang kaniyang paraan upang tumulong sa pagpapalawig ng basketball sa bansa.

Samantala, huling naglaro si Miller bilang parte ng Talk N’ Text taong 2016 kung saan pumira siya mismo sa pagsisimula ng Commissioner’s Cup para sa buong season.

TAGS: PBA, Willie Miller, PBA, Willie Miller

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.