Bangkay ng 8 bakery workers, natagpuan sa isang highway sa Marawi City

By Angellic Jordan May 28, 2017 - 01:05 PM

Photo courtesy of Ferdinandth Cabrera
Photo courtesy of Ferdinandth Cabrera

Natagpuan ang bangkay ng walong bakery workers sa ilalim ng isang highway kaninang umaga.

Ayon kay Police Office 3 Jamael Mangabang, isang residente ang nag-ulat sa istasyon na may mga bangkay malapit sa bukana ng Marawi City sa bahagi ng Imebito village bandang alas otso y medya ng umaga.

Dagdag pa ng police sub-station commander, makikita pa ang sariwang dugo ng mga bangkay sa naturang kalsada.

Nilagyan pa ang isa pa sa mga ito ng karatula na may sulat na “monafic” na ang ibig-sabihin ay traydor.

Sa ngayon, sinabi ni Mangabang na inaalam pa kung ang militanteng Maute group ang responsable sa naturang insidente.

TAGS: 30 construction workers, Capt. Jo-Ann Petinglay, Marawi City, 30 construction workers, Capt. Jo-Ann Petinglay, Marawi City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.