Isang kahina-hinalang bag, nagdulot ng tensyon sa Cagayan de Oro

By Angellic Jordan May 28, 2017 - 09:38 AM

cdoNagdulot ng tensyon ang natagpuang kahina-hinalang bag sa isang establisimiyento sa Cagayan de Oro, Sabado ng gabi.

Ayon kay CDO Police Station 1 Police Inspector Jessie Palencia, nakatanggap ang istasyon ng tawag bandang alas siyete ng gabi kaugnay sa isang bag sa tapat ng Moons Bar sa kanto ng Yacapin at Pabayo streets.

Agad na sinara ng pulisya ang kalsada at sinuri ng police bomb experts ang naturang bag.

Ayon kay Palencia, walang natagpuang bomba sa bag at naglalaman laman ito ng mga damit at gamit ng isang babae kasama na ang Identification Card ng nagngangalang Lorena Bago ng Magallanes, Agusan del Norte.

Pinaalalahanan naman ng mga awtoridad ang mga residente na mga alerto kasunod ng kasalukuyang sitwasyon sa Marawi City na 66 kilometro lamang ang layo sa lungsod.

TAGS: Cagayan De Oro, Moons Bar, Yacapin at Pabayo streets, Cagayan De Oro, Moons Bar, Yacapin at Pabayo streets

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.