Litrato ng mga teroristang lumusob sa Marawi City ikinalat na sa Mindanao

By Den Macaranas May 27, 2017 - 10:39 AM

Marawi teamInilabas ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Philippine National Police (PNP) ang larawan ng mga miyembro ng Maute terror group at Abu Sayyaf na lumusob sa Marawi City.

Ang nasabing mga larawana ng ipinakakalat ngayon hindi lamang sa Marawi City kundi sa mga kalapit na lugar tulad ng Iligan City at Cagayan de Oro City.

Nauna nang sinabi ni CSupt. Dionardo Carlos, Spokesman ng PNP na kanilang hinihikayat ang publiko na makipagtulungan sa mga otoridad sa pamamagitan ng pagrereport kapag may sightings sila ng mga armadong grupo partikular na sa Marawi City.

Kasama sa larawan ang 48 Maute terror group members na nauna na ring kinilala ng mga intelligence units ng pamahalaan.

Ang mga may impormasyon kaugnay sa pinagtataguan ng mga armadong suspek ay pwedeng itawag o i-text sa mga cellphone numbers na 09176311813 at  09153033072 ng PNP Northern Mindanao Region.

Kahapon ay personal na kinausap ng pangulo ang ilang mga opisyal ng militar sa Iligan City kung saan ay kanyang inulit ang kanyang kautusan na tapusin ang problema sa Marawi City sa mas mabilis na panahon.

TAGS: Abu Sayyaf, AFP, Marawi City, Maute, PNP, Abu Sayyaf, AFP, Marawi City, Maute, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.