91 patay sa pagbabaha sa Sri Lanka

By Kabie Aenlle May 27, 2017 - 05:16 AM

(AP Photo/Eranga Jayawardena)
(AP Photo/Eranga Jayawardena)

Hindi bababa sa 91 ang nasawi, habang 110 naman ang nawawala sa pagbabaha at pagguho ng lupa sa Sri Lanka dahil sa matinding pag-uulan dulot ng habagat.

Umabot naman na sa 20,000 katao ang inilikas mula sa kanilang mga tahanan sa timog at kanlurang bahagi ng bansa ayon sa Disaster Management Centre.

Ayon kay deputy minister for disaster management na si Dunesh Gandaka, napakalakas na ulan ang agad na dinala ng habagat sa ilang bahagi ng kanilang bansa.

Sa ngayon maraming lugar aniya ang na-isolate, pero patuloy naman ang pagsasagawa nila ng relief operations.

Umapela naman ng tulong ang pamahalaan ng Sri Lanka sa international community, kabilang ang Estados Unidos dahil sa laki ng pinsala at dami ng nasawi sa kalamidad.

Patuloy din namang mino-monitor ng foreign ministry ang sitwasyon ng pagbabaha, kasabay ng pagkonsulta sa Ministry of Disaster Management.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.