Mahigit 70 arestado sa ‘one-time big time operation’ sa Parañaque City

By Cyrille Cupino May 26, 2017 - 10:48 AM

ONE TIME BIG TIME PQUEDinampot ng mga pulis ang mahigit 70 katao sa ikinasang ‘One-Time Big Time Operation’ sa Parañaque City.

Kabilang sa mga inaresto ang pitong lalaking ‘half naked’ o walang damit pang-itaas, 15 na nag-iinuman sa kalsada.

Arestado rin ang lima katao na may mga pending na warrant of arrest, at isa na nahulihan ng droga.

Kumpiskado rin ang 12 motorsiklo dahil walang mga kaukulang papeles.

Bukod pa rito, 46 na menor-de-edad ang dinala rin sa City Social Welfare and Development dahil sa paglabag sa curfew.

Ilan sa mga bata ang nagpalipas ng gabi sa Bahay Pag-asa dahil sa ‘repeat offenders’ na ang mga ito, o makailang beses na ring nahuli.

Kung ikukumpara sa mga nakaraang ‘One-Time Big Time Operation’ sa Parañaque, mas mababa ang bilang ng mga nahuhuli ngayon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.