1 sundalo patay, 10 sugatan sa pananambang ng Abu Sayyaf sa Sulu

By Kabie Aenlle May 26, 2017 - 04:25 AM

 

panglima estilo suluIsang sundalo ang napatay, habang sampu sa kaniyang mga kasamahan ang sugatan matapos silang tambangan ng mga bandidong Abu Sayyaf sa Sulu.

Ayon kay Capt. Jo-ann Petinglay ng Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command, hinahabol ng mga sundalo ng 10th Infantry Battalion ang grupo na pinaniniwalaang may hawak na mga bihag.

Aniya, namataan ang grupo ng nasa 10 hanggang 15 na kalalakihan na may kasamang mga bihag.

Sinubukan aniyang sundan ng mga sundalo ang mga bandido, nang bigla silang tambangan ng mga ito alas-5:20 ng madaling araw kahapon, sa Brgy. Tado Bagua sa Patikul, Sulu.

Tumagal ng hanggang 20 minuto ang bakbakan na ikinasugat ng 11 sundalo.

Gayunman, sa kasamaang palad ay nasawi ang isa sa kanila habang ginagamot.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.