Ilang miyembro ng gabinete pinagpapaliwanag ng Kamara kaugnay sa martial law

By Erwin Aguilon May 25, 2017 - 03:39 PM

Marawi7
Inquirer photo

Nakatakdang ipatawag ng Kamara para sa isang briefing ang mga kinatawan ng executive department kaugnay sa deklarasyon ng batas militar.

Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas, napagkasunduan nila ni Senate Majority Leader Tito Sotto na sa Lunes ng hapon ang briefing ng senado mula sa ehekutibo habang sa  Miyerkules naman ng umaga ang sa Kamara.

Kabilang anya sa ipapatawag si Executive Secretary Salvador Medialdea at mga kalihim ng DND at DILG.

Ito ayon kay Fariñas ay upang sagutin ang mga tanong ng mga kongresista kaugnay sa isusumiteng report ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa deklarasyon ng martial law sa Mindanao.

Tatayo anya silang Committee of the Whole sa gagawing briefing sa session hall ng Kamara sa pamamagitan ng isang executive session.

Maliban sa DILG at DND ay nais din ng Kamara na ipatawag ang mga kinatawan mula sa DSWD, DOJ, DOT, DOTr, at DTI para sa pagtatanong.

Ayon sa ating Saligang Batas, ang pangulo ay mayroong 48-hours para ipaliwanag sa kongreso ang nilalaman ng deklarasyon ng martial law.

TAGS: Congress, duterte, Malacañang, Martial Law, Congress, duterte, Malacañang, Martial Law

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.