2 patay sa pagtagilid ng trailer truck sa Antipolo City

By Mariel Cruz May 25, 2017 - 10:44 AM

ANTIPOLONatagpuang patay ang dalawa katao makaraang tumagilid ang isang trailer truck na may kargang scrap metal sa Ortigas Avenue Extension, sa Antipolo City.

Naganap ang insidente bandang alas dos ng madaling araw.

Nabatid na nadaganan ng tumagilid na truck ang dalawang nasawing biktima na isang 36 yrs old na lalaki at isang bata.

Ayon sa pulisya, nakasakay sa motorsiklo ang dalawang biktima nang maganap ang aksidente.

Hindi naman agad napansin ng rescuers ang mga biktima dahil sa tone-toneladang scrap metal na nahulog mula sa trailer truck.

Bandang alas sais ng umaga nang simulan ang clearing operations, at makalipas ang isang oras ay natagpuan na ang mga biktima.

Sa bigat ng trailer truck dahil sa kargang scrap metal, halos madurog na ang dalawang biktima.

Samantala, hindi naman mabatid ang kinaroroonan ng driver ng truck, at maging ang kasama nito ay tumanggi na sabihin ang pangalan.

Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.