WOW IT’S SHOWBIZ ni Fernan De Guzman

June 03, 2015 - 04:40 AM SHARE(S):

FERNAN DE GUZMANNapatunayan nitong si Liza Soberano na na kayang-kaya niyang makipagsabayan sa mga kapanabayan niyang mga young actress.

Maswerte pa siya dahil nga ang unang teleserye niya ay naging hit ng sobra, ang “Forevermore” na marami nga kaming naririnig na humihiling namagkaroon ng book 2.

Nung isang gabi sa press conference ng “Just The Way You Are” ay nakita ng movie press ang kanyang husay sa pagsagot sa mga itinatanong sa kanya. At ramdam mo rin na hindi siya tulad ng ibang kasabayan niya na showbiz na showbiz ang sagot.

Kaya naman agad na minahal na siya after ng presscon. At sabi nga ng ilang press na bukod sa pagiging totoo nito ay sosyal na sosyal ang kanyang sagot. ” Sila ang sosyal na loveteam”.

Kitang-kita na malayo ang mararating ng kanilang loveteam ni Enrique Gil. Hindi pilit at alam mo na totoo ang kanilang ipinapakita sa madla. Kita rin sa dalawa na alam mo na gusto nila ang isa’t-isa, hindi pilit kumparang ibang loveteam.

Kaya naman sobrang mahal na namin ang kanilang tambalan. At ayon kay Liza ay hindi pa siya huimihingi ng advice pagdating sa pag-ibig sa kanyang manager na si Ogie Diaz.

“Hindi naman po ako humihingi ng advice kay Kuya Ogie,hahahahah!” sey niya.

Bawal pa daw siyang mag boyfriend at magkaroon ng kissing scene.

“Bawal pa akong makipag-kissing scene. I’m only 17.”sagot niya

Pero umamin na ang kanyang kapartner na si Enrique na nagpapahayag na ito ng I love you sa kanya. Oks lang naman sa kanya pero wala pa daw siyang sinasagot kungdi ang salitang “thank you”.

Perfect ang kanilang loveteam dahil may chemistry kaya madaling nakamit ang kanilang tagumpay. ‘Yan ba ang formula?

-OOO-
Kamakailan lang nakita namin ang dating childstar na si Mika dela Cruz. Siya yung nakababatang kapatid ni Angelika dela Cruz.

At nasabi tuloy namin na ang bilis ng panahon. Dalaga na ito, peo at nagtataka lang kami bakit hindi pa siya nabibigyan ng project na siya ang lead. Naturingan na home grown talent pa naman siya.

Pero ayon naman sa kanya ay may malapit na siyang serye na kasama ang original loveteam na sina Richard Gomez at Dawn Zulueta. Kaya abangan natin si Mika.

“Baka po sa July na ito mailabas ,” sey niya.

Sabi nga hindi pa naman huli at mahusay naman siyang young actress. Katambal naman niya sa nasabing serye si Paul Salas ang anak naman ng dating member ng UMD dancers .

Abangan nga natin.

-OOO-
Kahit na natapos na last June 1 ang kontrata ng mahusay na aktor si John Estrada sa ABS-CBN 2 ay patuloy naman ang klanyang pagteteyping na may titulo na “Walang Iwanan” kasama ang dalawang batang actor na nagbida na sa serye. At take note, katambal niya si Beauty Gonzales.

Ito ang pinagkakabalahan ngayon ng mahusay na aktor. At Ibig sabihin ay freelancer na siya ngayon. At hindi na tayo mabibigla kung tumanggap na ng trabaho sa ibang TV network si John. At balita nga nga namin ay dagsa na ang offer sa kanya.

Pero sana maging mapili siya sa pagtanggap. Alam mo na, mahirap magsisi sa bandang huli. Di ba?

Pauli-ulit namin sinasabi na ang mahusay an aktor ay hindi kaagad-agad mawawalan trabaho. ‘Yun na!

TAGS: forevermore, liza soberanom enrique gil, showiz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.