World tour ni Ariana Grande, suspendido dahil sa Manchester concert attack

By Jay Dones May 24, 2017 - 04:20 AM

ARIANA BLASTSinuspinde na ng sikat na American singer na si Ariana Grande ang kanyang world tour matapos ang pagsalakay ng isang suicide bomber sa kanyang concert sa Manchester England kahapon.

Sa naturang insidente nasa 22 katao, karamihan ay mga menor de edad ang nasawi samantalang mahigit sa 50 pa ang nasugatan nang pasabugin ng isang bomber ang kanyang sarili sa huling bahagi ng concert ni Grande.

Sa ulat ng TMZ, sinasabing hindi na matutuloy ang concert ni Ariana Grande na nakatakda sana sa London sa Huwebes.

May susunod pang mga shows ang 23-anyos na American pop singer sa Belgium, Poland, Germany at Switzerland ngunit hindi na rin ito maututuloy pansamantala, ayon sa TMZ.

Nakatakda rin sanang mag-concert si Ariana sa PIlipinas sa Agostom ngunit dahil sa deklarasyon ay posibleng maapektuhan rin ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.