Yaya at kasintahan na tumangay sa baby sa Caloocan, naaresto sa Isabela

By Kabie Aenlle May 24, 2017 - 04:15 AM

 

handcuffNadakip ang isang kasambahay pati na ang kaniyang kasintahan sa Brgy. Gappal sa Cauayan City, Isabela, matapos nilang tangayin ang sanggol na anak ng amo ng babae na nakatira sa Caloocan City.

Ligtas naman ang pitong buwang sanggol na si Princess Kylie Mejia nang maaresto ng mga pulis ang mga suspek na si Josephine Pedrales-Asuncion, at Christopher David na residente sa Gappal.

Noong Biyernes, nahuli sa mga CCTV sa Caloocan si Asuncion na bitbit si Princess na anak nina Eugenio at Girlie Mejia, habang pasakay sila ni David ng tricycle papuntang bus terminal.

Sumakay ang mga suspek sa isang bus papuntang Isabela.

Giit ni Asuncion, nais lang niyang ipasyal sa Isabela ang sanggol tulad ng iminungkahi ng kasintahan, ngunit hindi niya ito maipaalam sa kaniyang mga amo dahil hindi niya alam kung saan nagtatrabaho ang mga ito.

Ayon sa mag-asawang Mejia, isang buwan pa lamang na namamasukan sa kanila si Asuncion.

Naipaubaya naman na ng Cauayan police sa Caloocan police sina Asuncion at David.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.