7 pulis-‘hulidap’, may P14-M na patong na sa ulo

By Kabie Aenlle May 24, 2017 - 04:19 AM

chiquito-malayoNais ni Pangulong Rodrigo Duterte na mahuli, “dead or alive” ang bawat isa sa pitong pulis na pinaghahanap ngayon dahil sa kidnapping at pangingikil ng P5 milyon at isang kilo ng shabu sa isang umano’y bigtime drug dealer.

Mismong si Pangulong Duterte mismo ang nag-utos kay Philippine National Police (PNP) chief Ronald dela Rosa na magbigay ng tig-P2 milyong pabuya sa makapagtuturo sa bawat suspek na sa ngayon ay at large pa rin.

Ayon kay PNP Counter-Intelligence Task Force (CITF) head Senior Supt. Jose Chiquito Malayo, matagal na nilang minamatyagan ang grupo ng pitong pulis Malabon dahil mayroon pa umano itong iba pang mga biktima.

Nakilala ang mga pulis na miyembro ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Malabon police na sina PO3 Luis Hizon Jr., Jovito Roque, Michael Angelo Solomon, PO2 Micheal Huerto at PO1 Ricky Lamsen.

Hindi naman naaresto ang nasabing drug dealer na nagsu-supply din ng droga sa New Bilibid Prison, dahil sa halip na siya ang maging suspek, siya pa ang naging biktima ng mga tiwaling pulis.

Samantala, apat na “ninja cops” na rin sa Malabon ang una nang naaresto sa isang entrapment operation noong Lunes.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.