Ilang gusali sa Marawi, nasunog

By Jay Dones May 24, 2017 - 04:28 AM

 

Marawi-City-Mayor-Majul-Usman-Gandamra-1-620x413Kinumpirma ng alkalde ng Marawi City na may mga istruktura sa lungsod ang tinutupok ng apoy kagabi.

Sa maiksing panayam, sinabi ni Marawi City mayor Usman Gandamra na kabilang sa mga nasunog sa kasagsagan ng pagpasok ng Maute Group sa lungsod ay ang Marawi City Jail at ang Dansalan College.

Una nang kumalat sa social media ang mga larawan ng mga armadong kalalakihan na nasa kalagitnaan ng mga lansangan sa MArawi City na kalaunan ay napag-alaman na mga miyembro ng Maute terror group.

Dakong alas 11:00 ng gabi, ilang mga larawan naman ng mistulang sunog sa ilang gusali sa Marawi ang ipi-nost ng mga netizens.

Trending naman sa social media ang #PrayforMarawi bilang suporta sa mga residenteng apektado ng kaguluhan sa lungsod.

Nanawagan naman ang lokal na pamahalaan at mga otoridad sa mga reisdente ng Marawi na iwasan munang lumabas ng kanilang mga tahanan habang nagpapatuloy ang opensiba ng puwersa ng gobyerno labans a naturang grupo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.