Ariana Grande, humingi ng tawad sa naganap na pagsabog sa kanyang concert

May 23, 2017 - 12:19 PM

ARIANA BLASTLabis na ikinalungkot ng American singer na si Ariana Grande ang naganap na pagsabog sa kanyang concert sa Manchester, England.

Sa kanyang Twitter, inihayag ni Ariana ang kanyang reaksyon sa naturang insidente.

Inilarawan ng American singer ang kanyang nararamdaman sa pangyayari kung saan sinabi niya na siya ay “broken”.

Kasabay pa nito ay ang paghingi ng tawad ni Ariana dahil sa nakalulungkot na insidente.

Ang pahayag ni Ariana ay kanyang inilabas limang oras ang nakalipas matapos maganap ang pagsabog, na nag-iwan ng hindi bababa sa labing siyam na nasawi at limampung nasugatan.

Pero sa kabila ng paghingi ng tawad ni Ariana, marami pa rin sa kanyang mga taga suporta ang nakisimpatya sa Hollywood singer.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.