Warriors, nasungkit ang ikaapat na panalo kontra Spurs; pasok na sa NBA Finals

By Mariel Cruz May 23, 2017 - 11:50 AM

GSW SPURS
NBA PHOTO

Nasungkit ng Golden State Warriors ang ikaapat na panalo kontra sa San Antonio Spurs sa Western Conference Finals.

Sa iskor na 129-115, hawak na ngayon ng Warriors ang 4-0 lead.

Sa unang kwarter ng laban, agad na lumamang ang Warriors sa iskor na 31-19.

Pero sa ikalawang kwarter, bahagyang nakahabol ang Spurs kung saan lumiit ang lamang na puntos ng Warriors.

Nakapagtala si Stephen Curry ng 36 points, 6 assists at 5 rebounds habang 29 points at 12 rebounds naman si Kevin Durant.

Nag-ambag naman ng 20 points si Kyle Anderson habang siyam naman na rebounds si Pau Gasol, at 8 assists naman si Draymond Green.

Dahil dito, pasok na ang Golden State Warriors sa NBA Finals.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.