UPDATE: 22 patay, higit 50 sugatan sa naganap na pagsabog sa concert ni Ariana Grande sa Manchester, England

By Mariel Cruz May 23, 2017 - 08:01 AM

ARIANA GRANDE CONCERT
PHOTO FROM AP

UPDATE – Ilang pagsabog ang naganap sa concert ng American singer na si Ariana Grande sa Manchester, England.

Sa inisyal na ulat na nilabas ng Great Manchester Police, umabot na sa 22 ang kumpirmadong nasawi habang mahigit sa limampu ang naiulat na nasugatan.

Sa ngayong ay itinuturing ng pulisya bilang terrorist attack ang naturang pagsabog.

Makikita ang ilang ambulansya na agad na sumugod sa Manchester Arena kung saan ginaganap ang concert ni Ariana.

Nilinaw naman ng tagapagsalita ng American pop singer na maayos ang lagay ni Ariana sa kabila ng pagsabog.

Dahil sa insidente, isinara na ang paligid ng Manchester Arena.

Inabisuhan naman ang publiko na iwasan muna ang pagtungo sa naturang lugar.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.