Duterte hinamon na manindigan kontra China

By Erwin Aguilon May 22, 2017 - 07:25 PM

Edcel-LagmanTinawag na Pathetic ni Albay Rep. Edcel Lagman si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa umanoy kahinaan nito matapos pagbantaan ni Chinese President Xi Jinping na makikipag giyera sa Pilipinas kapag nagpumilit ito sa soberenya ng bansa sa West Philippine Sea.

Hindi katanggap-tanggap para kay Lagman ang pahayag ng pangulo na helpless siya gayung mayroon ng pasya ang arbitral tribunal.

Sinabi ng mambabatas na panakot lamang ito ng pangulo ng China.

Ayon kay Lagman, hindi mangangahas ang Chinese leader na basta na lamang manggyera dahil sa international sanctions at counter-military actions na matatanggap nito mula sa mga kaalyado ng Pilipinas.

Naniniwala si Lagman na ang pangakong tulong sa bansa ng China ang dahilan kung bakit pinalagpas lamang ng pangulo ang nasabing banta.

TAGS: China, duterte, lagman, Xi Jinping, China, duterte, lagman, Xi Jinping

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.