Isa pang ballistic missile pinakawalan ng North Korea

By Jay Dones May 22, 2017 - 01:12 AM

 

missile test nokorMuling nagpalipad ng ballistic missile ang North Korea kahapon, ayon sa mga opisyal ng South Korea.

Sa statement na ipinalabas ng South Korea Office of Joint Chiefs of Staff, sinasabing pinakawalan ang naturang missile malapit sa bayan ng Pukchang, na may layong 60 kilometro sa hilaga-silangang bahagi ng kapitolyo na Pyongyang.

Nagawang lumipad ng naturang ballistic missile ng 500 kilometro ang layo bago ito bumagsak malapit sa dagat.

Ayon naman sa Chief Cabinet Secretary ng Japan na si Yoshihide Suga, bumagsak ang naturang armas sa labas ng exclusive economic zone ng Japan.

Ito na ang ikalawang missile test ng North Korea mula nang maupo ang bagong pangulo ng South Korea halos dalawang linggo na ang nakalilipas.

Noong nakaraang linggo rin, nagpalipad ng isang intermediate range missile ang North Korea.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.